People Power Play
Isang malaking tagumpay ng Pilipinas nung pinalayas sa kapangyarihan ang diktadoryang Marcos. Sa buong akala ng karamihan, mabubuo na ang isang matatag na bansa sa kamay ng isang matatag na gobyerno. Nung EDSA 1 makikita at madadama ang pagsasanib ng buong lakas ng sambayanang pilipino. Sina Cory, Ramos at Erap ay umupo bilang pangulo ng bansa subalit ang pagiging isang mahina na bayan ay nangingibabaw pa rin. Nang si ERAP ay naging halimaw at naging gahaman, bumalik ang lakas ng sambayanan at sinipa siya sa pwesto. Pumalit si GMA na syang sentro ngayon ng mga pag aalsa. Isang babaeng presidente na may sapat na kapangyarihan. Pilit man pina pa alis subalit hati ang mga pilipino. Ang oposisyon ay bumubwelta na upang patalsikin si Arroyo. Ngunit pano nila mapapatalsik kung ang bawat isa sa kanila ay may mga sariling hangarin kung si GMA ay mapapatalsik. Ang bawat isa sa kanila ay may layuning papalitan si Arroyo na balang araw sila sila rin ang mag aaway na sya namang magiging suliranin ng bansa.
Read this entry
Read this entry
Comments
Post a Comment