Tama na yan,Inuman na sa CebuPac
Ang beer nga naman kahit na nagka
turbulence na sa himpapawid, always present. Ino order.
Delayed ang flight ko nung pauwi na
bound Davao from Manila. Reason, the weather is deteriorating,mahina ang
visibility ika nga ng staff ng CebuPac. Gabi yun ng April 7,2012.
Kainis, naka inom pa naman ako ng
kape habang ina anunsyo yun. Iba’t ibang masasamang bagay tuloy ang naglalaro
sa aking isipan kasabay ng di ko mabilang na kabog sa aking dibdib per second.
Naalala ko ang pinapanood kong mga
airplane crash investigation sa National Geographic Channel habang tinitignan
ang makapal na ulap sa langit.
Pagpasok sa aircraft, pa smile
smile lng ako. Sino naming hindi mawiwili sa ganda ng ngiti ng mga stewardess.
Lumipad na ang aircraft nakatatak parin sa isip ko ang mga posibling mangyayari
sa amin sa himpapawid. Hindi ko ito 1st time, pero 1st
time kong na experience na ma delay ang flight due to weather condition.
Habang hilong hilo sa maliliit na
font ng SMILE magazine, umorder ako ng isang milk tea to relax me at least.
Patay ang ilaw sa buong craft except sa katabi ko on the other side.
Tama ba ang nakita kong tumatagay
sya ng beer with muching pulutan pa habang nag eenjoy sa mga tanawin sa labas
ng eroplano? Beer nga. Gago to. Bar ba ito?
Habang uma alingasaw ang baho ng
beer, hindi ko mapigilang mag isip ng mga bagay na posibling mangyari. Tulad ng
highjacking. Wala lng.Baliw lng.Baka kasi malasing tong batang to at sisigaw ng
hold up or high jack tapos biglang joke lng.Trip lng.
Bakit naman kasi may BEER sa menu
ng CEBUPAC?
Bilang pasahero, sa tingin ko may
karapatan din akong magpahayag sa aking opinion. Ako poy hindi sang ayon sa
pagbibinta ng nakakalasing na inumin sa loob ng eroplano.
Ang beer sa mga taong tulad ko ay
nakapagbigay ng kunting confidence sa sarili. Naalala ko noong nanligaw ako sa
aking crush. Malaki ang utang na loob ko sa beer. Sa sobrang presko ko, yun,
basted.
Anyway, nakwento ko lng yun dahil
natatakot ako sa confidence na maibigay ng beer. Maaring magwala ang isang tao
kapag na trigger ng alcohol. Maaring magwala o amok ang pasaherong ito. Who
knows baka may mental whatever itong batang to at pagsasakalin kaming lahat
habang natutulog.
Buti naman, nakatulog xa. Bwesit
nga lang at ako ang hindi nakatulog sa pagbabantay sa kanya. Double kill. Takot
baka magwala ang batang to at takot sa turbulence na inanunsyo ng kapitan. Ay
naku!
Sino ba naman hindi matatakot eh
bago kami lumipad nabasa ko ang article nato. DRUNK PASSENGER CAUSES PLANE TOCRASH.
Cge nga, kung kayo ang katabi nya
makuha mo pa kayang mag SMILE tulad ng modelong nasa SMILE magazine ng Cebu
Pacific?
Comments
Post a Comment