Dear Francis, halika mag chikahan tayo.


Dumeretso na po tayo, ako po ay umalis na sa simbahang katolika pero ayoko pong magsimula ng isang diskusyon tungkol sa relihiyon, kaya hindi ko na po sasabihin ang buong detalye kung bakit ako tumiwalag. Katunayan, ang buo ko pong pamilya ay mga katoliko. Hanggang ngayon, spiritually, wala po akong religious group na sinalihan. I am still a Christian. I believe that there is God up there. And there is Jesus, the son. Sa sulat na ito gusto ko lang po sanang malaman mo na, magaan ang loob ko sayo kaya may chika po ako sa inyo.

Maganda ang vibration ko sayo dahil may mga katangian kayo na nagustuhan ko naman hindi bilang isang Holy Father , Pope, o isang lider ng milyon milyong katoliko sa buong mundo. At yun po ang pagiging simple at ayaw nyo sa mga magagarbong bagay. Nakitaan ko po kayo ng isang kabutihan sa puso nyo na hindi lang po ang simbahan ang iniisip nyo. Kaya naman, hayaan nyo po ako na tawagin kayo sa pangalan bilang kaibigan, Francis.


Salamat po at naisipan nyong bumisita sa bansa namin. Malala na po ang sakit ng bayang ito. Parang cancer po. Habang tumatagal mas lalong lumalala ang nakawan. Payaman sa economic ratings, pero paurong naman ang estado ng buhay ni Juan. Nakakawala na po ng gana. Nakakainis na. Religious country pa naman din naturingan pero bakit parang hindi kami malakas kay Lord? Bakit parang hindi umuubra ang mga dasal namin para umayos na po ang systema ng gobyerno. Araw-araw po, dasal kami ng dasal. Kung may facebook lang po kayo, makikita nyo po yan sa news feed nyo, pramis. 1 Like= 1 prayer. 

Alam kong hindi po kayo doktor na kayang magpagaling ng isang sakit. Mas lalong hindi po kayo Dios na kayang gawing tinapay ang bato para pakainin agad ang mga dukha at sugpuin ang poverty sa ilang araw na pagbisita mo. Karamihan po sa amin ay umaasang tataas ang kalidad ng aming mga buhay dahil sa inyong pagpapala. Mahilig po kasi sa shortcut si JuanTamad. Kaya libo libo po ang umaasang mahalikan ang itim na Nazareno para makatikim ng swerte. Para pumasa sa exam.Para gumaling sa sakit. Pero, wala namang ginagawa sa buhay. Kaya mabilis po kaming mag "Share" ng isang photo sa fb lalo na pag ang caption ay "Share if you want to receive luck for the next 3 days." Shortcut.

Ewan ko ba, ganun po ba si Lord? Yung, hahayaan nyang may mamatay para mahawakan lang ang rebolto na sumisimbolo daw sa kanya? Yan po ang isang dahilan po why I gave up from your group. Maaring mali ako sa tingin ninyo pero wala akong magagawa kung iba ang dikta ng aking isip at paniniwala. Bahala na po siguro si batman. Kasi ang Dios na alam ko ay yung makikinig kahit ikaw lang mag isa sa kwarto mo at hindi mo na kailangan  ang lubid o isang itim na imahe para makausap lang siya. 

Anyway, Ang unang sasalubong po sa inyo ay ang pinakapangyarihang tao sa Pilipinas. Ang pangulong nakapag #DongYanWedding na pero hindi pa nakapunta muli sa Tacloban para personal na iabot ang tulong na ibinahagi ng ibang bansa o di kaya ay kumustahin man lang ang mga palpak na proyektong pabahay ng kanyang mga opisyales  para sa mga Yolanda survivors. Bulungan nyo nga yan. Hindi ba kayo sasamahan nya sa Tacloban? Buti pa ang pangulo ng Sri Lanka, tour guide nyo pa.

Please po, baka pwede nyo namang ipagdasal ang lovelife ng pangulo. Binging bingi na po ako sa isyung yan sa mga interview nya. Eh ang choosy din naman kasi. Bagay kaya sila ng mutya ng masa. #friendzone

Aabot daw ng 6 million ka tao ang dadalo sa misa nyo sa Quirino Grandstand. Karamihan gusto lang kayo masilayan at nangangarap na maka pag selfie sa inyo. Magaling po kami dyan. Lalo na ngayon na may free data na, upload agad yan. Sana po, maging malinaw sa mga tao sa speech nyo ang tunay na diwa ng pagpunta nyo at hindi po ito concert. 

Parang concert na nga po eh. Bawat sulok ng Pinas po may tarp na ng mukha nyo at mukha ng  politiko. By the way, next year, election na po. Pakisali po sa dasal nyo na sana matauhan ang mga kawatang ito na patuloy paring binubutasan ang bulsa ni Juan. Tatakbo po ulit sila. Ang kapal ng panga nila, ano po?

 Kasing kapal ng tao sa bilangguan. Siksikan. Para bang mas gusto ng iba sa Bilibid nalang tumira. Yun naman pala, kahit sa loob, may droga, may sex doll, may recording studio, Jacuzzi, at kaya po ng isang inmate mang-rape ng babaeng dumadalaw. Kaya kung ako po ang nasa inyong lugar, pupuntahan ko po sila #PrisonersEncounter. 

Kung may extra oras po kayo, baka naman kaya nyo po kaming tulungang pa aminin ang mga senador naming tumatanggap ng kickback sa mga proyekto ni Napoles. Kung gusto nyo pong sugpuin ang kahirapan sa bansa namin, itumba nyo na po yan sila. I mean, touch their hearts Francis. Kung lalaban sa inyo, wag po kayo papatalo ha, alam naman po naming dati kayong nagtatrabaho sa isang bar bilang bouncer, kayang kayang kaya nyo po si Panday. Lalo na po yang si Jinggoy, kahit may ebidensya na po na gumagamit sya ng ibang bank names eh in denial pa rin. Malala na po talaga ang gobyerno namin.

Biruin nyo po, after Yolanda, hindi agad nakarating sa mga survivors ang mga pagkain dahil diumanoy ni re-pack pa at nilagyan ng stickers ang bawat relief good na kung saan naka imprinta ang pangalan ng opisina ng DSWD at ng opisina ng isa pang kawatang bise presidente. Ang ilan ay tuluyan ng nasawi hindi sa storm surge but from hunger. 

Talagang kailangan kayo ng Tacloban.  Kailangan nyong marinig ang tunay na storya sa likod ng bawat survivor na inimbitahan nyong mananghalian. Bigyan nyo po ulit sila ng pag-asa. Siguro may translator naman po siguro kayong kasama. 

Sya nga pala Francis, may bagyong paprating. Sakto nasa Tacloban ka. Ahhhm, meron po akong narinig na usapan ng mga lasing sa kanto habang pinapanood ang non-stop hype ng media sa pagbisita mo.Heto po ang sabi ng isang lasing " Ngayon, sinusubukan na tayo ng Dios Ama. Ito ay para sabihin sa karamihan na hindi Dios ang Holy Father na yan na kailangang iyakan at halos sambahin na. Heto bagyo, para titingala muli ang tao sa langit at ma remind sila na ang pope ay hindi Dios." 

Ang galing ng pagkasabi ng lasinggero na yan.Marami rami narin silang nainom. Mga 3 kaha ng RedHorse.

Francis, baka naman pwede mong itanong sa mga ePapal na politiko dyan kung nasaan na napunta ang bilyong peso na ibinahagi ng ibang bansa. Hindi po ako talaga naniniwala na hanggang bulok at substandard na  bunkhouses lang ang kayang gawin  ng ganun kalaki na salapi?

Gusto ko pa po sanang mag chikahan pa tayo. Pero hindi ko na ito pahahabain pa.Alam kong marami pa kayong sulat na babasahin lalo na sa mga status na may hashtags na #PopeFracisPh #DearPopeFrancisSaPilipinas #PapaVisitPh etc.

Bago ako magtapos, ako po pala ang inyong ika 5 million na twitter follower mo. Naniniwala din po ako na may himala, kaya sige nga, i-FOLLOW mo rin po ako sa @devianttraveler hehe

P.S. Ang ganda ng Roxas Boulevard ngayon. Sana nililinis nila yan lagi kahit wala ka. Francis, salamat at sana ay mabasa mo ang sulat kong ito.

Albert Egot Jr.
FB:Add me



Comments

Popular Posts