Hugot: Ang Kantang Walang Chorus


Sintunado. Wala sa tono. Parang ikaw nag REFRAIN ka na magmahal, at ako naman ay lagi nasa INTRO. Simula. Magsisimula na naman ako. Wala ng BRIDGE ito para buhayin pa muli ang mga nota. Dito nalang ako lagi sa INSTRUMENTAL kasi aanhin pa ang CHORUS, kung ako nalang mag isa. 

Inaantay ko na may tutubong halaman sa lupa na kung saan pumapatak ang aking mga luha habang inaalala ang kahapong walang kasing pait. Walang kasing sakit. Ilang oras narin akong nakatunganga. Tinitignan ang basang lupa. Lupang saksi sa lahat kung anong meron tayo noon. Sa ginhawa man o sakit. Saksi sa pagmamahalan natin noon na kasing tamis ng isang libong white rabbit. Itong lupa din ang saksi sa huling araw ng ating pagsasama. Huling araw na kung kelan mo dinurog ang puso ko na kahit ngayon ramdam ko pa rin ang hapdi. Mas mahapdi pa sa anghang ng wasabe.

Sa unang hakbang ng hagdanan sa ating munting tahanan ngayon ako nakaupo na kung saan tumutulo ang malamig na luha ko sa lupa na kung saan din nakatanim ang ating mga pangako. Naalala mo ba? Pilit mokong pinapahanap ng lumang dalawang piso para dito ibaon sa lupa na kung saan nakasandal ang unang hakbang ng hagdanan? Dalawang piso na may kalabaw ang ibinaon natin tanda ng ating pagmamahalan. Tanda diumano ng pagpasok ng swerte sa ating tahanan.

Dalawang piso na sya ring sumira ng ating samahan. Tandang tanda ko pa nasa kusina tayo noon. Inutusan mo kong ipambili kita ng suka para sa niluluto mong pinaksiw. Salat man tayo sa pera, pero nagawa kong isugal ang natitirang pam paksiw sa pasugalan sa kanto dahil umaasa akong mananalo ako noon at makatikim naman tayo ng lechon manok sa Chox To Go. 

Bumalik ako sa kusina, ikay umuusok na sa galit dahil ang tagal ng suka. Wala akong naibigay kundi kamot ulo nlang dahil natalo sa pustahan. Noon naka sabit ang lumang gitara ni itay sa pintuan. Pinukpok mo ito sa akin kahit alam mong ipinagbilin ni itay sa atin na huwag itong sirain dahil maraming puso na ang nabihag ng gitara noong panahong binata sya. Dalawang kwerdas ang naputol. Sa dalawapong hampas mo, nagdulot ng dalawang bukol. 

Tuluyan na. Hindi na tuloy ako makapag gitara. Paano na? Paano na ang ating pinagsaluhang mga kanta. 

ikay umalis. Sumuko karin sa akin. Tinapos mo ang labing dalawang taon nating pagsasama sa dalawang piso lamang. Mahal kita. Alam ng mga chismosang kapitbahay natin kung gaano kita ipagmalaki. Ang love ko sayoy parang paksiw, tumatagal. Hindi napapanis. Pero tama ka, hindi magiging paksiw yan kung kulang ng suka. Hinahanap mo ay suka na hindi ko maibigay. Sukang pampalasa sana ng ating pagsasama. Heto ako, kulang sa asim. Kulang sa lambing. Umuuwing lasing. Ginagahasa ka sa dilim. Pero mahal kita, uu mahal na mahal kita, kulang lang nga ito ng sukang pampalasa.

Balik tayo ngayon sa hagdanan na dinidiligan ng mga luha ang dalawang pisong nakabaon. Sa hagdanan, akoy nagluluksa at iniisip ang sarili kung paano makakabangon. Ngayong wala ka na? Ngayong kulang sa kwerdas ang aking gitara? Hindi ako makapag emote, gusto ko ng musika. Pero paano nga? Sinubukan kong kumaskas, pero hindi ako makaabot sa chorus ng kanta. 

Sintunado. Wala sa tono. Parang ikaw nag REFRAIN ka na magmahal, at ako naman ay lagi nasa INTRO. Simula. Magsisimula na naman ako. Wala ng BRIDGE ito para buhayin pa muli ang mga nota. Dito nalang ako lagi sa INSTRUMENTAL, aanhin pa ang CHORUS, kung ako nalang mag isa. 

Sumapit na ang dilim, hindi parin ako makapag saing. Nasanay akong andyan ka, sa pag uwi ko'y luto na ang kanin may kasama pang dilaw na saging. Patay parin ang ilaw, at pinagpyestahan na ako dito sa labas ng mga lamok. Sige lang sipsipin nyo ko habang nag mumukmok. Ubusin nyo lahat ng sakit at lahat ng pighatit pagsisisi na dumadaloy sa aking dugo. Hindi ako aalis dito baka ikaw ay muling kakatok.

Dumaan na ang ika dalawampung araw na wala ka. Yakap yakap ko pa rin ang lumang gitara. Kahit sa tono nitong pakurba kurba, kahit hindi ko ma ideretso ng korus gawa nga ng kulang sa kwerdas, dinig ko pa rin sa tenga ang mga awitin natin noon na kay saya. Sobrang saya. Ang saya saya....Saya....Sayang. Sayang talaga.

Sayang at huli na pala ako sa balita. Maging ang pinaka maton at astigin sa kanto na si Mang Kado ay alam nya na rin. Alam na ng lahat na ikaw ay sumama na sa ibang lalaki. Isang lalaki na hindi tulad ko. Malayo sa hitsura ko. Puta ang gwapo ko kaya, pero hindi ako malambing. Gago, ang macho ko kaya, pero lagi akong nagsisinungaling. Anak ng pating, ang galing kong sumiping pero hanggang ngayon hindi ko parin maibigay ang pinapangarap mong 3 little children. Pucha naman oh, mahal na man kita ha, totoo, mahal kita! Pero hindi ko kayang maipadama. Nakalimutan. Napagsawaan. Uu, nakalimutan at napagsawaan kita. Aaminin ko, pero mahal na mahal kita. 

Hindi ko ipagdarasal na sana maging masaya ka na sa piling ng bago mong syota. Hindi ko hihingin sa Dyos na sana umayos ang pagsasama nyong dalawa. Para ano pa? Para maipakita mo sa akin ang mga bagay na sa akin hindi mo nadarama? Para tawa kayo ng tawa, habang ako ay naliligo sa sariling mga luha? 

Isinusumpa ko sa mga naputol na kwerdas ng gitara, ako ay aasa, babalik ka at ako ay muli mong sasabayang awitin muli ang isang buong kanta. Yung may CHORUS naman, puta ang sakit ha!

(c) Guitar Photo: WeHeartIt.Com

Comments

Popular Posts